
Si Rosa Mirasol ng Ili
Hello! Ako si Rosa Mirasol o mas kilala ng ilan bilang Maui. Isa akong manluluwad (potter), natural pigment artist, guro, mananayaw, freediver, gulay at animal lover, chef wannabe, trying hard poet, mangingibig ng lupa at bayan (ili), at nag-iisang Mirasol ng Kalawakan. Ikinalulugod ko kayong lahat makilala! 🌻

Tito B
Si Roberto Melencio o kilala ng marami bilang Tito Bogs ang napakasipag na studio assistant ng Ili. Siya ang tumutulong kay Maui sa pagmamasa ng luwad (clay) at pag-grind ng mga glaze drips sa kiln shelves.
May autism siya at misunderstood most of his life. Noong 2019, nadiskubre ang natural na talento niya sa pagluluwad (pottery). 58 years old na siya noon. Dito na nagsimula ang tuloy-tuloy niyang paghulma ng mga handbuilt pieces na pinipintahan niya rin nang buong pagmamahal.
Mga hayop at kalikasan ang inspirasyon niya sa paglikha, at masayang masaya raw siya sa pagkakataong matuto magluwad.

Yano
Si Yano ang admin at community organizer ng Ili. Siya ang gumawa ng website na ito at nag-aasikaso ng lahat ng tech-related at organizational matters.
Habang nag-aaral ng MS Environmental Science ay tumutulong siyang pagyamanin
pa ang mga serbisyo ng Ili. Tahimik lang siya at laging nasa background pero siya ang katuwang ni Maui sa workshops, sa glaze and firing, work delivery, at sa buhay.