Si Rosa Mirasol at Ang Ili

Hello! Ako si Rosa Mirasol, ang artist sa likod ng Ili. Maui ang palayaw ko na pinagbotohan ng buong pamilya dahil ako ang bunso. Maui ako sa bahay, at Rosa naman sa eskwela.

First love ko ang pagsasayaw. Mahilig ako magperform simula bata pa. Nadala ko yun sa UP Pep, Airdance at KontraGaPi. Muntik na akong maging Dance major pero napadpad ako sa Fine Arts at nainlab sa pagluluwad (pottery) noong 2015, thesis year ko sa college. Simula nun, nag-assist ako sa UP College of Fine Arts Ceramics Studio, nagturo na rin doon ng kaunti hanggang magkaroon ng Ili Likhaan noong 2018. ✨

Bukod sa soil foraging, nangangalap rin ako ng lupa, bulaklak at halaman pangpinta. Marami sa mga inaani ay edible kaya ginagamit ko rin pang salad hahaha. Mahilig akong magluto. 21years na akong sattvik vegetarian at mahal na mahal ko ang mundo! Labs na labs ko rin ang mga baby doggos na sina Tuldok at Dos. Makulay ang buhay kasama sila. 🥰

Kahit manluluwad, water is my element. Swimmer ako simula grade 6. Naging freediver, at gusto pang tuklasin ang lalim ng dagat. Isa sa mga paborito kong sayaw ang Pangalay ng mga Tausug. Nasa puso ko ang paggalaw tulad ng alon kaya ito ang lagda ko at logo ng Ili. 🌊

Ayaw ng teknolohiya sa akin. Hirap ako sa social media at sabik sa totoong interactions. Nagpapasalamat ako kay Yano sa pagbubuo ng website na ito. 🙏🏽 Paborito ko ang pagtuturo. Pahinga ang pagbabahagi ng mga aral ng luwad at buhay, in a natural, non-structured way. Sa mga gustong matuto ng pottery, halikayo’t magkwentuhan tayo sa dalampasigan o sa ilalim ng puno. 😌

Ako si Rosa Mirasol— potter/ceramicist, natural pigment artist, guro, mananayaw, freediver, gulay at animal lover, chef wannabe, trying hard poet, mangingibig ng lupa at bayan (ili). Ikinalulugod ko kayong lahat makilala! 🌻